Nagpakitang-gilas si Memphis grizzlies star Ja Morant sa kanyang pagbabalik sa hardcourt matapos ang ilang serye ng suspension at gamutan dahil sa injury.
Ngayong araw ay hinarap at tinalo ng Memphis Grizzlies ang Dallas Mavericks sa score na 121 – 116.
Agad nagpakita si Morant ng kanyang athleticism at court at kumama ng 13 points, 4 rebounds, at 3 assists sa loob lamang ng ilang minutong paglalaro.
Kapansin-pansin pa rin ang magandang chemistry ng mga players na nakasabayan ni Morant sa Memphis tulad nina Desmond Bane, Brandon Clarke, ay Santi Aldama na ilang buwan na hindi nakalari ni Morant dahil sa kaniyang suspension at tuluyang pagkaka-injure.
Hindi naman nakapaglaro ang mga star ng Dallas na sina Kyrie Irving, Luka Doncic at bagong guard na si Klay Thompson.
Sa kabila nito ay naging maganda pa rin ang performance na ipinakita ng koponan sa pangunguna ni Jaden Hardy na kumamada ng 21 big points ay 9 assists.
Sinamahan ito ng 19 points ng bench na si Jazian Gortman.
Samantala, sa kasagsagan ng laban ay pansamantalang umalis si Morant sa court matapos matapilok habang tinatangkang guwardyahan ang transition play ng Dallas.
Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang Memphis ukol dito.