-- Advertisements --

Pinangunahan muli ni Ja Morant ang Memphis Grizzlies para maibulsa ang ika-apat na sunod na panalo mula nang magbalik siya sa paglalaro sa NBA.

Ginawa ito ng Memphis sa isang thriller game laban sa New Orleans Pelicans, 116 – 115.

Nagbuhos si Morant ng 31 points habang 27 points ang naging kontribusyon ng kapwa guard na si Desmond Bane. Ang dalawang guard ay ibinabad sa loob ng 40 mins na paglalaro.

Umabot sa overtime ang laro sa pagitan ng dalawang koponan matapos silang kapwa magtala ng score na 103 sa pagtatapos ng ika-apat na kwarter.

Naging gitgitan pa rin ang laban sa pagitan ng dalawang team pagpasok ng overtime ngunit sa huling 13 segundo ng naturnag laro ay lumamang ang Memphis ng 6 big points. Pinilit pa ng Pelicans na habulin ito sa hanggang sa makapagpasok ng magkasunod na 3-pointer at isang 2 point shot.

Gayonpaman, kinulang na rin ito ng oras upang burain ang 1-pt lead ng Memphis sa pagtatapos ng limang minutong overtime.

Sa panig ng Pelicans, gumawa naman si Zio Williamson ng23 points at 11 rebounds habang 17 points at 13 rebounds ang naging kontribusyon ng sentrong si Jonas Valenciunas.