BUTUAN CITY – Patuloy ang monitoring ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Jabonga, Agusan del Norte upang kaagad na ma-aksyunan sakaling lalala ang sitwasyon ng iilan sa kanilang mga landslide at flood prone barangays dahil sa walang humpay na mga pag-ulan.
Sa ekskluksibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Jabonga Sangguniang Bayan member Melvin Lantino na kaninang alas-siete ng umaga ay umabot na sa daan ang baha mula sa ilog na nasa boundary ng Brgy. Magsaysay at Brgy. Colorado.
Naka-preposition na ang kanilang mga malalaking sakyanan upang may magagamit kung kailangan na ang forced evacuation lalo na’t may iilang mga barangay na nasa danger zones.
Ina-assess na rin ng kanilang Municipal Engineer’s Office ang nabahaang daan upang ma-assess kung maari pa ba itong madadaanan o hindi na.