-- Advertisements --
jack ma
Chinese billionaire Jack Ma, founder of online giant Alibaba

Nangako si Chinese billionaire Jack Ma ng kalahating milyong face mask sa Pilipinas bilang panlaban sa coronavirus disease o COVID-19.

Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na darating sa susunod na linggo ang nasabing mga donasyon mula sa founder ng kompaniyang Alibaba.

Nauna nang nagbigay ng donasyon ng 50,000 COVID-19 test kits si Ma katuwang si Senator Manny Pacquiao.

Bukod sa Chinese billionare, nagbigay din ng donasyon ang iba’t ibang mga malalaking kompaniya sa bansa.