-- Advertisements --
Opisyal nang nag-retiro sa mundo ng e-commerce ang Chinese billionaire at entrepreneur giant na si Jack Ma.
Kasabay ng 20th anniversary ng Alibaba Group Holding ay inanunsyo rin ng high-profile founder ang kaniyang pagbaba sa pwesto bilang executive chairman ng kumpanya.
Matapos ang dalawang dekada na pamumuno nito sa Alibaba, nais na umano na maging full-time ni Ma sa pagiging isang pilantropo.
Itinayo ni Ma ang Alibaba Group Holding noong 1999. Nagsimula ito sa pagiging isang tradisyunal na kumpanya hanggang sa lumaki na ang naturang negosyo at pasukin ang mundo ng food delivery at cloud computing.
Sa ngayon, aabot na sa $460 billion o halos 24 trillion pesos ang halaga ng kumpanya.