-- Advertisements --
Naibenta sa auction ng mahigit $2,772,500 ang jacket na naisuot ni retired astronaut Buzz Aldrin.
Ayon sa Sotheby auction sa New York, ang in-flight coverall jacket ay mayroon naka-emblem na Apollo 11 mission at letrang “E” Aldrin na insiyal ng kaniyang tunay na pangalan na si Edwin.
Isa umano itong fireproof at gawa sa silica fiber na tinatawag na Beta Cloth at ginamit sa paggawa ng Apollo spaceflight suits.
Itinuturing na ito na ang pinakamahal na jacket na naibenta sa auction dahil sa kahalagahan nito na nailipad patungong kalawakan.
Naka-display naman sa Smithsonian National Air and Space Museum sa Washington D.C. ang jacket na suot ng kapwa nitog astronaut na sin Neil Armstrong at Michael Collins.