-- Advertisements --

Pinawi ng Chinese action star Jackie Chan ang pangamba ng kaniyang mga fans matapos na mahimatay sa shooting ng kaniyang bagong pelikula.

Matapos kasi ang pagkalat sa social media ng video sa shooting ng kaniyang pelikulang “Panda Plan” ay nag-alala ang mga fans.

Makikita kasi na habang ito ay nasa isang eksena ay bigla na lamang nahimatay ang 70-anyos na actor.

Mabilis naman itong nabigyan ng atensiyon medikal at nakabalik agad ito sa pagsagawa ng shooting.

Iginiit ng actor na itutuloy pa rin ang shooting at nanindigan na hindi ito sanay sa pagkakaroon ng doubles.