-- Advertisements --

Kinumpirma ng dating aktres na si Jackie Forster sa social media ang paghihiwalay ng anak niyang si Kobe Paras at aktres na si Kyline Alcantara, habang ipinagtanggol din niya ito laban sa mga paratang ng nanloko umano ito.

Sa isang video sa Instagram noong Abril 28, sinabi ni Jackie na naiwasan sana ang gulo kung hindi pinilit ng kampo ni Kyline na ipahayag sa publiko na maayos pa sila ni Kobe. Ayon sa kanya, “contract” ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ito agad isinapubliko.

Ibinunyag din ni Jackie na nasaktan si Kobe sa mga sinabi sa kanya at napilitan itong lumipat ng tirahan. Humingi rin umano ng tawad si Kobe sa mga magulang ni Kyline.

‘Kobe gives his all. He’s generous. He sticks to one. But when he is made to feel a certain way, he’s done,’ ani Jackie.

Ayon pa sa kanya, pinayuhan niya si Kyline na huwag gumawa ng mga bagay tulad ng pagbura ng mga larawan at pag-unfollow, ngunit nagpatuloy umano ang aktres, dahilan upang lumala ang sitwasyon.

Binanatan din ni Jackie ang mga umano’y “toxic” fans na patuloy bumabatikos sa kanilang pamilya.

Kinumpirma rin niya na nasa ibang bansa si Kobe kasama ang kaibigan nitong si Hannah.

Maalalang pinagtanggol ni Andre Paras ang ang kapatid dahil alam nitong single na si Kobe.

Wala pang pahayag mula kina Kyline at sa kanyang pamilya kaugnay ng isyu.