Sa Miyerkules, Abril 16, ang huling araw ng burol para sa ina nina Jackie Lou Blanco at Monching Gutierrez na si Pilita Corrales.
Nabatid na tahimik na pumanaw sa kanyang pagtulog si Pilita noong madaling araw ng Sabado, Abril 12, sa edad na 87.
Ayon sa kanila, hindi pa napagkakasunduan ng pamilya kung kailan at kung saang araw ililibing ang kanilang ina sa Himlayang Pilipino, kung saan nakalibing din ang ina at kapatid nito.
“Right now, we really don’t know,” ani Jackie Lou, habang pinili muna ng pamilya na iuwi ang abo ng kanilang ina habang naghihintay ng desisyon.
Gayunpaman nagpapasalamat ang magkapatid sa mga magagandang alaala at papuri para sa kanilang ina mula sa mga kaanak, kaibigan, at mga nakasama nito sa industriya.
“Walang masamang tinapay sa nanay namin. And that is such a gift for us,” wika ni Jackie Lou.
Samantala puno ng pasasalamat sina Jackie Lou at Monching sa lahat ng dumalaw, nagdasal, at nagpaabot ng pakikiramay.
“A million thanks sa lahat. Si Mommy very generous kasi yan,” sabi ni Monching.