Hindi pa man natatapos ang coronavirus pandemic, nakatagpo na muli ng bagong nagpapatibok sa kanyang puso si Jackie Rice.
Pag-amin ito ng 30-year-old sexy actress kasunod ng kumpirmasyon na nauwi sa breakup ang mahigit isang taon lang na relasyon nila ng kanyang boyfriend na sumibol noong kasagsagan ng pandemya.
Bagama’t fresh from breakup, nariyan agad ang sunod-sunod na larawan ni Rice habang hawak ang iba’t ibang bouquet of flowers na ibinigay sa kanya ng bagong kasintahan.
Kapansin-pansin ang kanyang mga hugot lines nito kabilang ang tila hindi naging maganda ang takbo ng relasyon nila ng kanyang pandemic boyfriend, gayundin ang hindi na raw siya “punching bag,” at napagtantong siya ay mahalaga.
Si Rice ay nagsimula sa talent search ng kanyang kinabibilangang TV Network.