-- Advertisements --

Pumanaw na ang isa sa mga miyembro ng Jackson 5 na si Tito Jackson sa edad na 70.

Siya ang pangatlo sa siyam na magkakapatid na Jackson na kabilang na ang namayapang si Michael at Janet.

Kinumpirma ito ng kaniyang mga anak na sina TJ, Taj at Taryll subalit hindi na binanggit pa ang sanhi ng kaniyang kamatayan.

Ang Jackson 5 ay binubuo ng mga magkakapatid na sina Jackie, Tito, Jermaine, Marlon at Michael.

Ang family group ay na-induct sa Rock & Roll Hall of Fame noong 1997.

Ilan sa mga kantang pinasikat nil aay ang “ABC”, “I Want You Back” at “I’ll Be There”.

Naging malaking pangalan sa musika ang grupo sa pamumuno ng kanilang ama na si Joe Jackson na isang gitarista at steelworker na sinuportahan ang asawa at siyam na anak sa Gary, Indiana.

Isinilang noong Oktubre 15, 1953 at ang tunay na pangalan ay si Toriano Adaryll “Tito” Jackson kung saan hindi siya gaano naririnig sa grupo dahil sa nagsisilbi siyang background singer at gitarista.

Ang mga kapatid niya ay nag-solo careers kabilang si Michael kung saan pumanaw sa edad na 50 noong Hunyo 25, 2009.