-- Advertisements --
skysports jaren jackson jr 5550931

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang power forward ng Memphis Grizzlies na si Jaren Jackson Jr. at nagpakawala ito ng kabuuang 31 points at 4 blocks dahilan upang maungusan nila ang Golden State Warriors sa score na 133-119.

Umarangkada rin si Desmond Bane at nagpakawala ito ng 26 points habang si Dillon Brooks ay tinapos ang laban sa score na 18 points para sa Memphis.

Nanguna ang Grizzlies sa una at pangalawang quarter ng laban habang nasungkit naman ng Warriors ang ikatlong bahagi ng laro.

Buo pa rin ang determinasyon ng Memphis na maungusan ang Warriors kung kayat kaagad nitong bumawi sa ikaapat na quarter.

Nasayang na naman ang deskarte ni Jonathan Kuminga matapos nitong umiskor ng 24 points upang pamunuan ang Warriors.

Hindi rin umubra ang 21 points mula kay Jordan Poole at ang 16 points ni Stephen Curry.

Matatandaang tinalo ng Warriors ang Grizzlies sa game 1 at game 2 match nito habang hindi na sila sinwerte sa ikatlo at ikaapat na pagtatapat.