CAGAYAN DE ORO CITY – Naka-lockdown ng dalawang linggo ang pasilidad ng BJMP na pinagmulan ng isang jail officer at person deprvied from liberty (PDL) na umano’y nasawi matapos nahaawan ng COVID-19 sa Barangay Pinatilan,Valencia City,Bukidnon.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Valencia City Vice Mayor Dr. Pol Murillo na unang namatay ang isang priso at nasundan ito ng jail guard sa loob lamang ng linggong ito.
Sinabi ni Murillo na mula sa higit 300 inmates na naka-house sa jail facility ay nasa 82 pa na mga priso pa ang nagpositibo at mahigpit na tinutukan ng kanilang health officials.
Kaugnay nito,inaalam pa ng city government kung bakit at paano napasukan ng bayrus ang bilangguan na matagal nang ipinagbawal ang mga pagdalaw ng mga kapamilya sa mga bilanggo.
Magugunitang kasalukuyang naka-general community quarantine restriction ang Valencia City kung saan mayroon din silang hawak na pasyente na nahawaan ng UK variant ng COVID.