Patuloy na nagpapakitang gilas sa Japan ang Filipino volleyball star na si Jaja Santiago nang mapabilang sa Best 6 at maging isa sa best middle blockers sa naganap na 2022-2023 season of Japan V.League Division 1.
Kabilang si Santiago si Kupunan ng Saitama Ageo Medics na nasungkit ang pangalawang spot na may 24-9 card matapos ang elimination round.
Ngunit sa kasamaang palad ay nalaglag ang kanilang kupunan sa semifinals ng season.
Kung matatandaan noong nakaraang taon rin ang umuwi ang Pinay volleyball star na mayroong parehong award na nakuha mula sa isang tournament.
Nagulat rin ang citizen nang ihayag ni Santiago sa publiko na siya ay engage na sa isa sa kanyang mga coach na si Taka Minowa.
Matapos ang kanyang laro sa kupunan ng National University, lumipad si Santiago upang maglaro para sa Saitama noong 2018.