-- Advertisements --

Mistulang kapwa nabunutan na ng tinik sa dibdib ang dating magkasintahan na sina Jake Ejercito at Andi Eigenmann.

Ito’y matapos mismong ang 31-year-old actor ang nagkuwento na nakadaupang-palad na niya ang nabuong pamilya ni Andi sa piling ng surfer boyfriend na si Philmar Alipayo.

Ayon kay Jake, mismong ang 30-year-old actress ang nakiusap sa kanya na sunduin muna ang kanilang nine year old daughter upang matutukan ang pag-aalaga sa dalawa pang anak na one year old at tatlong buwan pa lamang.

Sa Siargao kung saan na ninirahan si Andi at husband to be, unang nakilala ni Jake ang mga ito.

Double purpose rin dahil nakapamasyal pa ito kung saan mismong ang anak nila ni Andi ang nagsilbing tour guide niya.

“Siyempre before, immature pa kami (ni Andi) and everything. So medyo malayo din ang nilakbay bago naging ganito ka-settle and smooth. And I don’t ask Ellie (my our daughter) about it pero nakikita ko lang sa kanya dati, may times na kapag magulo, siyempre nakikita ko kay Ellie na nahihirapan din siya. And what’s good about now is parang kasi ang priority namin is what’s good for Ellie. Iyon ang motivation namin, si Ellie,” saad nito sa Cinema News At Home Edition.

Kung maaalala, kontrobersyal ang unang pagbubuntis ni Eigenmann kung saan unang napaulat na ang ama ay ang aktor na si Albie Casino.