-- Advertisements --

Inalok ni YouTube star Jake Paul ng $50 million si Conor McGregor para sila ay magharap.

Sa inilabas nitong video sa kaniyang social media, harapan hinamon nito ang Irish fighter at sinabing dapat patulan na nito ang kaniyang alok na laban.

Ang nasabing alok ay isa sa pinakamalaking halaga na matatanggap ni McGregor sa kaniyang paglaban.

Kinantiyawan pa nga nito kung saan mayroon na siyang dalawang panalo at walang talo sa boxing habang wala pang panalo at mayroon ng isang talo si McGregor.

Magugunitang tinalo ni US boxing champion Floyd Mayweather Jr si McGregor sa laban nila noong 2017.