-- Advertisements --

May napiling bagong makakalaban si YouTube star Jake Paul matapos ang pag-atras ni dating heavyweight boxer Mike Tyson.

Sinabi nito na ipinalit sa July 20 fight nito si Mike Perry.

Gaganapin ang nasabing laban sa Amalie Arena sa Tampa, Florida.

Si Perry ay may matinding record na rin sa UFC bago ito lumipat sa Bare Knuckles promotion.

Ilan sa mga nakaharap nito ay sina Luke Rockhold at Eddie Alvarez.

Magugunitang nagtamo ng problema sa kalusugan si Tyson kaya napilitang ilipat ang laban sa buwan ng Nobyembre.