-- Advertisements --
Naging mainit agad ang weigh-in ng exhibition fight sa pagitan ni dating heavyweight boxing champion Mike Tyson at Jake Paul.
Sa paghaharap kasi ng dalawa ay biglang sinampal ng 58-anyos ang Youtuber.
Mabilis na inawat ng mga security ng AT&T Stadium sa Arlington, Texas ang dalawa.
Tumimbang si Tyson ng 228. 4 pounds habang si Paul ay tumimbang ng 227.2 pounds.
Giit naman ni Paul na hindi ito nasaktan o nakadama ng anumang pananakit.
Sinasabing makakakuha ng $20 milyon si Tyson na opisyal sanction Texas na ang laban ay binubuo ng walong tig-dalawang minuto.