-- Advertisements --

Pinatumba ni social media influencer Jake Paul si dating UFC fighter Mike Perry sa loob ng ikaanim na round sa kanilang cruiserweight boxing match na ginanap sa Tampa, Florida.

Sa unang round ay dominado na ni Paul ang laban kung saan dalawang beses pa nito pinatumba si Perry.

Pinilit pa ni Perry ang tumayo subalit nakita ng referee na hindi na nito kaya ang lumaban pa kaya ipinatigil na nito ang laban.

Mayroon ng 10 panalo at isang talo si Paul kung saan nadagdag si Perry sa ilang UFC fighter na kaniyang tinalo na ang nauna ay sina Nate Diaz, Tyron Woodley at Ben Askren.