-- Advertisements --
Tiniyak ni YouTuber turned boxer Jake Paul na kaniyang patutumbahin si dating UFC middleweight world champion Anderson Silva.
Nakatakda kasing magharap ang dalawa sa darating na Oktubre 29 sa Gila River Arena sa Arizona, USA.
Si Paul ay mayroong limang panalo na mayroong apat na knockouts habang ang 47-anyos na si Silva ay nagretiro na noong nakaraang taon ay mayroong record sa boxing na tatlong panalo at isang talo na mayroong dalawang knockouts.
Dagdag pa ni Paul na mula pa noong bata pa siya pinapanood niya ang mga laban ni Silva.