-- Advertisements --

Nagpasya si Jakey Zyrus na mamahinga muna sa kaniyang social media.

Sinabi ng singer na nais niyang lumayo muna ng ilang linggo sa social media para pagtuunan ng atensyon ang kaniyang mental health.

Dagdag pa nito na naging mahirap ang kaniyang hinarap kung saan marami ang nagtangkang sirain siya.

Imbes na gumanti aniya ay mas minabuti na magpagaling na lamang.

Magugunitang noong 2017 ng lumantad siya bilang trans-man mula sa pagiging sikat na singer na si Charice Pempengco.