-- Advertisements --

Tadtad ng masasamang salita na may kasamang pagmumura ang buwelta ni Jake Zyrus o dating si Charice para sa mga hindi pa rin daw matanggap ang kanyang pagiging transman (transgender man).

Ayon sa 29-year-old singer na nakilala noon bilang Pinay singing sensation, tila mali na pinalampas lamang niya ang mga komento ng panghihinayang ng netizens sa dati niyang katauhan bilang si Charice dahil nababastos na siya ngayon.

Wala aniya siyang pakialam kung may mga nakikinig pa rin sa mga awitin niyang falsetto noong isa pa siyang Charice dahil siya pa rin naman daw iyon, at nag-transition lamang.

Sa ngayon aniya ay bibigyan na lang niya ng pansin ang mga may respeto sa kanyang nakaraan at kasalukuyang pagkatao, habang malutong na “f” bad word ang handog nito para sa mga umaasa na magsusuot uli siya ng gown.

JZyrus mad

Noong nakaraang taon nang magwagi sa 50th US International Film and Video Festival ang self-titled special documentary na “Jake and Charice.”

Ang nasabing Japanese produced documentary ay hango sa tunay na buhay at pinagdaanan ni Jake Zyrus bilang isang transman matapos talikuran ang buhay bilang babae.

Ipinalabas ito sa Japan noong November 2019 at nagsilbing director/editor si Hiroko Ninomiya.

Nooong 2017 nang magpakilala sa publiko si Charice bilang si Jake Zyrus at sa sumunod na taon nangmaging engaged sa nutritionist at fitness instructor na si Shyre Aquino.