-- Advertisements --

Bukas pa rin si Filipino-American basketball player Jalen Green na makasali sa Gilas Pilipinas at maglaro a 2023 FIBA World Cup.

Sinabi nito na mayroong posibilidad pero tanging panahon lamang ang makakapagsabi.

Nakapaglaro na siya para sa US at nanalo na rin siya ng medalya para sa US.

Ang 18-anyos na si Green na ang ina ay tubong Ilocos Sur ay nakapaglaro na sa Gilas at sumabak sa FIBA U-17 at U-19 noong World Cups sa taon 2018 at 2019.

Sa ngayon ay abala na ang 6-foot-5 sa kaniyang pagsali sa NBA G League.