Trending ngayon online ang post ni Jo Aw, na umano’y binugbog ni Jam Ignacio ang kapatid nitong si Jellie aw nitong araw ng Miyerkules, Pebrero 12.
Sa post tinukoy nito ang basag at duguan na mukha ng club disc jockey na si Jellie na-engage kay Jam noong Nobyembre 11, 2024.
“BIGLA NA LANG PINAG SASAPAK, BINUGBOG HABANG PAUWI ATE KO, WALANG KALABAN LABAN SA LOOB NG NAKALOCK NA SASAKYAN’, paglalahad ni Jo sa kaniyang post.
Sabi pa nito, hindi niya alam ang dahilan kung bakit “bigla na lang pinagsasapak” at “binugbog” ni Jam ang kanyang ate na si Jellie.
Mabuti na lamang daw at nakasigaw si Jellie sa isang tollgate na kanilang nadaanan at nailigtas ng mga pulis ang mga ito.
Lumalabas na nasa loob ng sasakyan sina Jam at Jellie nang mangyari ang insidente.
Dagdag pa ni Jo, “Una sa lahat kung ano man ginawa ng ate ko wala kang ni anong karapatan dampian ng kamay yung ate ko. ang kapal naman ng mukha mo “JAM IGNACIO”, sambit nito.
![](https://img.bomboradyo.com/newscenter/2025/02/Jo-Aw-post.png)
“Ni hindi makahingi ng tulong ate ko dahil kunuha mo yung cellphone. Buti na lang hindi nabasa yung RFID sa toll at nakasigaw yung ate ko pag baba ng bintana at nakahingi ng tulong sa TELLER sa toll gate, ngayon tinakbuhan mo yung mga pulis!.”
“Wala kang awa!! Demonyo, mapapatay mo na ate ko.”
Samantala nagbahagi rin sa kaniyang larawan sa social media si Jellie Aw kaugnay sa tinamo nitong sugat sa mukha matapos ang bugbugin ni Ignacio.
Sa IG stories nito na may text ‘taena mo @jamignacio magkita tayo sa kulungan!’
Dagdag pa nito sa kaniyang caption na: “ta*na mo @jamignacio magkita tayo sa kulungan.”
![](https://img.bomboradyo.com/newscenter/2025/02/Julie-aw-binugbog.jpg)
Sa sunod na stories nito sa kaniyang social media may isa ring larawan kung saan makikita ang facade ng isang hospital emergency wing na pinagdalhan sa kanya upang lapatan ng karampatang lunas.
![](https://img.bomboradyo.com/newscenter/2025/02/julie-aw-medikal.jpg)
Sa isa pang video ay pinasalamatan ni Jellie ang kapatid na si Jo na nag-asikaso sa kanya.
Kaugnay pa nito sa kanyang Facebook account ay nag-post si Jellie ng tatlong larawan ng nagpapakita rin ng kanyang bugbog-saradong mukha at muli niyang inulit ang bantang ipapakulong si Jam.
‘HAPPY VALENTINES?’, caption ni Jellie.
‘taena mo Jam Ignacio mapapatay moko wala akong ginawang masama para ganituhin moko, halos mamatay ako sa ginawa mo! papalukong kita!,’ saabi ni Jellie.
![](https://img.bomboradyo.com/newscenter/2025/02/Julie-aw-post-on-FB.png)
Matatandaan na si Jam Ignacio, ex-boyfriend ng actress-TV host na si Karla Estrada at huling nakapag post si Karla sa social media nito ay tungkol sa kanila ni Jam noong Marso 2023.