Labis ang pagsisisi at emosyonal na humingi ng pagpapatawad ang negosyanteng si Jam Ignacio sa fiancee na si Jellie Aw.
Sinabi nito na labis siyang nagsisi sa mga nagawa niya sa nobyang vlogger at disc jockey.
Giit nito na hindi niya napigilan ang sarili na masaktan ang nobya dahil lamang sa simpleng hindi pagkakaunawaan.
Nadala lamang ito sa labis na pagod dahil sa maghapon nilang lakad at napuno na rin.
Nakiusap ito sa fiancee na kung maari ay ayusin nila ang naging problema sa isang pribadong pag-uusap.
Nangako ito na hindi na umano mauulit ang nasabing ginawang pananakit sa fiancee.
Magugunitang naglabas na ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) sa ginawang pananakit ni Ignacio sa nobya.
Una ng sinabi ni Jellie na handa nitong patawarin ang nobyo subalit kailangan ito ng managot sa mga ginawa niya.
Magugunitang noong Pebrero 12 ng biglang tumakas ang Aw sa expressway dahil sa pananakit ng nobyo.
Nagtamo ng iba’t-ibang pasa sa mukha si Jellie kung saan mabilis na tumakas naman ang nobyo matapos ang insidente.