-- Advertisements --
Tinanghal bilang pinamakamabilis na babaeng sprinter sa buong mundo si Shelly-Ann Fraser-Pryce.
Ito ay matapos ang matagumpay na kampanya nito sa 100 meters finals event sa World Championship na ginanap sa Doha.
Tinapos ng Jamaican sprinter ang nasabing karera sa loob lamang ng 10.71 seconds.
Ito na ang ikaapat na world championship title ni Fraser-Pryce sa naturang disiplina at ikawalo naman sa pangkalahatan.
Ang panalo ay nangyari dalawang taon matapos nitong isilang ang anak na si Zyon.