-- Advertisements --

Pumirma ng isang taong conference sa Rain of Shine ang PBA veteran player na si James Yap.

Ang 41-anyos kasi na San Juan City Councilor ay pumirma na noong nakaraang taon na isang conference sa parehas na koponan.

Mula sa Magnolia ay na-itrade siya sa Elasto Painters noong 2016 kapalit ni Paul Lee.

Mayroong average ito na 5.2 points na 28.6 percent mula sa three-point territory.

Ang two-time PBA MVP ay nagsimula ng sumali sa ensayo ng koponan para sa pagbubukas ng Commissioners Cup na magsisimula sa Nobyembre.