Magandang simula sa unang linggo ng 2020 ang ipinamalas nina LeBron James ng Los Angeles Lakers at reigning MVP Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks kung saan itinanghal sila bilang Players of the Week ng NBA.
Nagtala ng triple-double average si LeBron James para sa tatlong panalo ng Lakers ngayong linggo at nanatiling una sa Western Conference sa kartadang 29 panalo kontra sa pitong talo.
Nasa 23 puntos, 11.7 rebounds at 12.7 assists ang ginawa ng 35-anyos na si James ngayong linggo, samahan pa ng 1.3 steals.
Sa kabilang banda, patuloy din na pagdomina ni Giannis Antetokounmpo para dalhin ang Bucks sa pinakamagandang record sa Eastern Conference at buong NBA na may 32 panalo-limang talo.
Nagtala ng 29 puntos, 11.7 rebounds. 3.7 assists at halos isang block kada laro ang 25-anyos na manlalaro mula Greece.
Sa kasalukuyan, nasa five-game winning streak ang dalawang koponan at nagbabadyang pahabain pa ito.