Itinalaga bilang honorary officer ng Royal Navy ng United Kingdom si James Bond star Daniel Craig.
Sinabi ni First Sea Lord Admiral Sir Tony Radakin, ang namumuno ng Royal Navy, na ikinagagalak nila ang pagkuha nila kay Craig bilang honorary Commander.
Kilala ang actor bilang Commander Bond sa loob ng 15 taon na isang naval officer na ipinapanatili nitong ligtas ang mission ng Britanya sa buong mundo.
Nais gamitin ni Craig ang kaniyang military status para tulungan ang mga pamilya UK military families.
Nakatakdang ilabas sa susunod na buwan ang pelikula ni Craig na “No Time To Die” ang huling James Bond Movie ng actor.
Sa nasabing pelikula ay kasam ang Type 45 air defense destroyer ng UK na HMS Dragon na isang 152-meter warship at itinuturing na most advanced sa buong mundo.