-- Advertisements --

Maantala ng ilang buwan ang pagpapalabas ng bagong James Bond film dahil sa banta pa rin ng coronavirus.

Ayon sa producer ng pelikulang “No Time To Die” ang dating Abril na pagpapalabas ng pelikula ay iniurong na lamang sa Nobyembre.

Ang desisyon ay base na rin sa hiling ng mga fans ng pelikula para na rin sa kaligtasan ng mga manonood.

Ilalabas na sa Nobyembre 12 sa United Kingdom habang sa Nobyembre 25 naman ito ilalabas sa US.

Magugunitang ilalabas na sana sa Abril 3 ang pelikulang pinagbibidahan ni Daniel Craig.

Ang world premiere naman ay itutuloy sa Marso 31 sa Royal Albert Hall sa London.