Muli na namang nasangkot sa iskandalo ang NBA superstar na si James Harden na sa unang report ay inaresto raw ng Paris police.
Lumutang kaso ang isang video sa social media, habang nakikiusap ang Brooklyn Nets star sa mga pulis sa bahagi ng sidewalk.
Ang sikat namang rapper na si Lil Baby ay inaresto ng mga pulis.
Nilinaw ng pulisya na hindi inaresto si Harden at hinayaan ding makaalis sa lugar.
Iniulat ng local newspaper na Le Parisien na hinarang umano ng mga pulis ang kotse na sinasakyan ni Lil Baby na may kasama pang iba nang maamoy ang marijuana.
Umabot daw sa 20 gramo ng marijuana ang nakumpiska sa grupo ni Lil Baby kaya ito dinala sa presinto ng mga pulis.
Nagkataon namang nasa lugar si Harden kaya inimbestigahan din ito ng mga otoridad.
Gayunman pinalaya din si Harden.
Sina Harden, Lil Baby at Kanye West ay nasa Paris dahil sa Fashion Week sa siyudad.