-- Advertisements --

Nakabangon mula sa sunod sunod na pagkatalo ang powerhouse team na Brooklyn Nets matapos na walisin ang Indiana Pacers, 105-98.

Ito na ang ikatlong panalo ng Brooklyn at tatlo na rin ang kanilang talo.

Nagpakitang gilas din ang dating NBA MVP na si James Harden nang magbuhos ng season high na 29 points at walong rebounds.

Halos wala ring paltos sa free throw line si Harden na nagpasok ng 16 mula sa 19 na pagtatangka para sa kanyang best game ngayong bagong season.

Habang si Kevin Durant ay may 22 points kung saan sa first half pa lamang ay umabot na sa 18 puntos ang kanyang naibuslo.

Malaki rin ang naitulong ni LaMarcus Aldridge na pumuntos ng siyam mula sa kabuuang 21 points sa fourth quarter upang pigilan ang paglapit pa ng Pacers team.

Sa kampo ng Indiana ito na ang ikalimang talo.