-- Advertisements --
LeBron James

Ipinagtanggol ni LeBron James si Los Angeles Lakers coach Luke Walton sa mahinang performance ng koponan ngayong season.

Kasunod din ito ng usaping pagsibak kay Walton dahil sa bigong pagpasok ng team sa playoffs sa anim na sunod na taon.

Sinabi ni James na nagkaroon lamang ng maraming injuries at pagkakasuspendi ng mga manlalaro kaya nakulangan ng lakas ang kanilang koponan.

Ilan sa mga tinukoy ni James ay ang pagkakasuspendi kay Rajon Rondo at Brandon Ingram sa unang bahagi ng NBA season.

Maging siya aniya ay nakaapekto rin dahil nagtamo ng injuriy kung saan hindi ito nakasali sa 17 laro mula Disyembre hanggang Pebrero.

Naniniwala pa si LeBron na kung sakaling naging malusog lamang ang lahat ng manlalaro ng Lakers ay malaki ang tsansa nilang mangibabaw sa conference.

Huling maglalaro ngayong conference ang Lakers laban sa Portland Trailblazers sa araw ng Miyerkules bago naman ang simua ng playoffs sa Sabado.