Nagtala ng bagong record si Los Angeles star LeBron James sa naging panalo ng kaniyang koponan sa Portland Blazers 116-108.
Dahil sa panalo ay nasa second overall sa all-time playoffs win na mayroong 158 wins.
Nahigitan nito si Tim Duncan ng San Antonio Spurs na mayroon lam ang 157.
Kasaluyan pa rin kasing hawak ni Derek Fisher ang record na mayroong 161 panalo.
Ayon kay James na isang katiwasayan sa buhay tuwing iniuugnay ang pangalan nito sa mga sikat.
Tatlong beses kasi nakaharap ni James ang Spurs sa Finals.
Unang beses noong nasa Cleveland Cavaliers at pangalawang beses ay noong nasa Miami Heat pa ito.
Tinalo ng Spurs noong 2007 ang Cavs sa unang Finals apperance ni James at noong 2013 ay nakabawi ang Heat sa hindi makakalimutang Finals series sa kasaysayan.
Taong 2014 ng nakabawi ang Spurs na siyang huling taon ni James sa Heat.
Bukod sa pagiging No. 2 sa playoffs wins list ay umakyat sa number 3 sa listahan ng three-point field goals ng playoffs na mayroong kabuuang 375 na three-pointers sa playoffs sa kaniyang career.
Nalagpasan niya si Golden State Warriors player Klay Thompson na mayroong 375 habang nasa pangalawang puwesto si Ray Allen na mayroong 385 points at unang puwesto naman si Stephen Curry na mayroong 470 playof three-pointers.