-- Advertisements --

Ikinagalak ni James Reid ang balitang mayroon ng bagong nobyo ang dating kasintahang si Nadine Lustre.

Sinabi nito na kahit sinumang lalaki ay masisiyahan kapag makitang masaya ang kanilang dating nobya.

Hiling lamang nito aniya ay ang kasiyahan ng dating kasintahan.

Dagdag pa nito na nasa tamang edad na si Nadine kaya nirerespeto niya ang anumang desisyon nito.

Reaksyon ito ng young actor sa lumabas na balita at mga larawan sa social media na mayroon ng bagong nobyo si Nadine.

Magugunitang noong Enero 2020 ng ianunsiyo ni Nadine na hiwalay na sila ng actor.