-- Advertisements --

Inanunsyo ng mga siyentipiko mula sa James Webb Space Telescope (JWST) ang pinaka-malinaw na ebidensya ng posibleng buhay sa labas ng ating solar system. kung saan natuklasan nila ang mga kemikal na karaniwan lamang makikita sa ating Planeta.

Ito ay ang mga gas na dimethyl sulfide (DMS) at dimethyl disulfide (DMDS).

Ang mga gas na ito ay karaniwang produkto ng mga buhay na organismo sa Earth, tulad ng mga ”mikrobyo” at ”algae.” Ipinapakita nito na maaaring mayroong mikrobyal na buhay sa planetang K2-18 b.

Gayunpaman, binigyang-diin ng mga siyentipiko na hindi pa nila iniuulat ang pagtuklas ng aktwal na buhay, kundi isang posibleng biosignature o senyales ng mga prosesong biyolohikal.

Ang K2-18 b ay matatagpuan sa 124 light-years mula sa ating planeta at nasa habitable zone ng isang red dwarf star, na may kondisyon para sa pagkakaroon ng liquid water.

Ayon sa mga eksperto, ang planetang ito ay maaaring isang “hycean world”, isang uri ng planeta na may ocean at may atmosphere na maaaring magtaglay ng buhay.