-- Advertisements --
Nakatakdang pumirma ng kontrata sa Blackwater Bossing si James Yap.
Sinabi ng two-time PBA Most Valuable Player na sumali na siya sa ensayo ng koponan at gaganapin ang pirmahan ng kontrata sa araw ng Biyernes.
Makakasama niya sa nasabing kontrata ang team manager ng Blackwater na si Jeffrey Cariaso.
Ito na ang pangatlong koponan ni Yap na ang una ay sa Magnolia at pangalawa ay Rain or Shine.
Nagtapos ang kaniyang kontrata sa Rain or Shine sa huling laro niya noong 2023-24 PBA Commissioner’s Cup at pumayag ang koponan sa hiling nito na pakawalan siya.