-- Advertisements --

Sinadya ni James Yap na manahimik lamang noon sa gitna ng mga kantyaw na bading umano ang anak nito kay Kris Aquino na si Bimby.

Ayon sa 39-year-old basketball star, hindi siya naniniwala sa mga tsismis dahil sa loob ng pitong taon na nakasama nito ang ngayo’y 14-anyos nang anak, ay masasabi niyang tunay na lalaki ito.

“Because I know for sure that he is not gay. I don’t believe in gossip. Because even when a kid is still young, it’s already obvious if he’s gay,” saad nito sa panayam ni Dolly Anne Carvajal.

Nauunawaan naman daw nito ang dating misis na hindi napigilang mag-react sa isyu dahil mas matagal itong naalagaan si Bimby.

Una nang tinapos ni Bimby ang mga ispekulasyon hinggil sa kanyang sekswalidad, sa pagsasabing siya ay “straight” na lalaki.

Katunayan ay “ideal girl” nito ang may kulay blonde na buhok, magandang hubog ng legs, dibdib at leeg.

Mahalaga rin aniya kung tulad ito ng kanyang ina, na mabuting tao kahit sa mga kaaway, mapagbigay at matalino.

Sa panig ng kinikilala noon bilang Queen of All Media, hindi magiging “big deal” sa kanya sakaling totoo ang ibinabato sa bunsong anak nito.

“I know my son doesn’t identify being gay BUT in the event that he ever does, he will still be my son,” saad ng dating presidential sister.

Noong nakaraang buwan naman ay iba-ibang ang naging pakahulugan ng mga netizen sa birthday message ni James Yap.

Sa post kasi nito kalakip ang lumang larawan nila ni Bimby, ipinahayag nito na mamahalin ang anak “no matter what.”