-- Advertisements --
Naghain ng temporary leave of absence para sa second conference ng 2021 PBA season si Rain or Shine player James Yap.
Sa kaniyang Instagram account, pinasalamatan nito ang management ng Rain or Shine dahil sa pagpayag sa hiling nito.
Isinagawa nito ang pagliban sa paglalaro para makatutok siya sa kampanya sa halalan.
Nauna ng sinabi ng Elastopainters na papayagan nilang lumiban si Yap para matutukan ang pangangampanya sa pagiging konsehal ng lungsod ng San Juan.