-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin ang Hollywood actor na si Jamie Foxx dahil sa kaniyang social media post na pagiging antisemitic.

Ang nasabing Instagram post na kaniyang dinelete ay hindi tumutukoy umano sa mga Jewish.

Dagdag pa ng 55-anyos na actor na wala siyang anumang sama ng loob sa mga Jewish ukol sa kaniyang social media post.

Binatikos kasi ng ilang mga social media users na ang nasabing post nito umano ay patungkol pag-akusa na ang pumatay kay Hesus Kristo ay ang mga Hudyo.