-- Advertisements --

Ngayon lamang naging handa si Janella Salvador na kumpirmahin sa publiko na totoong siya ay certified mommy na.

Pag-amin ito ng 22-year-old actress kasabay ng pagsapubliko na rin sa first baby nila ng boyfriend nitong Filipino-British actor/model na si Markus Paterson.

Janella confirmed preggy 4

Sa joint vlog (video blog) nila ng kanyang mag-ama, dokumentado ang pregnancy journey ni Janella kung saan makikitang siya ay nag-yoga hanggang sa sumalang sa maternity pictorial.

Baby boy ang kanyang panganay na pinangalanang Jude Trevor Paterson at kabilang sa mga magiging ninong at ninang ay ilang malapit na kaibigan sa show business.

Kabilang dito sina Erich Gonzales at tiyahin ni Janella na si Maja Salvador na kapwa hangad na makauwi sa Pilipinas ang mag-anak upang makita naman daw ang kanilang inaanak.

“I’m feeling so many emotions, but mostly excited that we’re finally ready to introduce you to the world. Well, if I’m going to be honest, I’m quite nervous about this day because I know how harsh the world can be,” bahagi ng pahayag ni Salvador sa halos 30 minutong vlog.

Sa kasalukuyan, si Janella ay nasa United Kingdom kung saan ipinanganak at lumaki si Markus.

Setyembre noong nakaraang taon nang maging usap-usapan na buntis na raw ang young actress, kasunod lamang din ng rebelasyon nila ni Markus na sila ay magkasintahan na.

Ina ni Janella ang aktres na si Jenine Desiderio sa musician na si Juan Miguel Salvador.

Ang ama ni Markus na si Trevor Paterson ay dating British Air Force pilot, habang ang kanyang ina na si Norma ay Pinay na tubong Pangasinan.

Bago kay Markus, si Janella ay dating girlfriend ng celebrity ding si Elmo Magalona at naugnay kay Joshua Garcia.