-- Advertisements --

Bakas ang determinasyon ni Janella Salvador para sa tuloy-tuloy na pagbabawas nito ng timbang, halos isang taon mula nang manganak.

Ito’y kasabay ng pag-post ng kanyang swimsuit photos bagama’t aminadong nag-dalawang isip dahil hindi pa niya kompleto ang tinatawag na postpartum weight loss goals.

Ayon sa 23-year-old actress, 13 pounds pa ang target niyang matapyas sa kanyang timbang pero maituturing nang magandang progress ang nasimulan.

“I still have 13 pounds to go. But why not? I’m proud of my progress. Let’s go, momma.”

Nitong Enero lang nang isapubliko na nila ng Filipino-British actor/model at boyfriend na si Markus Paterson ang kanilang baby boy.

At nitong mga nakalipas na araw nang magbabala si Janella laban sa mga nambu-bully sa kanilang anak na pinag-iisipan na ang tuluyang pagdedemanda.

“We were gonna push through the complaint. Well, I’m still planning to. But, I’m just praying about it for now because we have so many things to make asikaso. We’ll see,” saad nito sa push.