-- Advertisements --

Ikinukunsidera ng National Capital Region Police Office na high risk detainee si pork barrel queen Janet Lim Napoles.

Ayon kay NCRPO chief PDir Oscar Albayalde, bagamat nasa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology si Napoles kailangan pa ring matiyak ang kaligtasan ng akusado.

Pahayag ni Albayalde na ang PNP regional public safety battalion ang nakatoka na magbigay ng seguridad kay Napoles sa tuwing bibiyahe patungo ng korte.

Karaniwan na rin anyang hinihiling ng BJMP sa PNP RPSB na magbigay ng escort at seguridad sa isang high profile inmate tulad ni Napoles na nakapiit sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.