-- Advertisements --

Todo pasalamat si Janine Gutierrez sa mga magulang na sina Monching Gutierrez at Lotlot de Leon kasunod ng unang beses nila na family vacation.

Janine Gutierrez 2
“… and if you’re the parents and you’re worried about your kids, they’ll understand one day. and they only want you to be happy. also, di ko na alam trip nila sa last video. love you fam! 🤍🤍🤍”

Ayon sa 32-year-old actress, tinupad pa rin kasi ng mga ito ang pangako na mananatili silang pamilya kahit ilang taon nang hiwalay.

Sa mga ibinahaging larawan, hindi raw maiwasan ni Janine na ma-senti o maging emosyonal sa kanilang swimming getaway.

Napatunayan daw niya na hindi naman pala magiging “bad forever” ang mga may kaparehong set up ng kanilang pamilya, ngunit matatagalan lang talaga bago umayon sa kagustuhan.

Taong 1989 ikinasal sina Lotlot at Monching na nauwi sa annullment pagsapit ng 2008. May bago na ngayong asawa si Lotlot na isang Lebanese.