-- Advertisements --

Labis ang pasasalamat ni Janine Guitierrez matapos na ito ay ma-nomina bilang best actress sa Gawad Urian ngayong taon.

Kasunod ito sa kaniyang pagganap sa pelikulang “Babae at Baril”.

Mayroong kabuuang walong nomination ang nasabing pelikula na kinabibilangan ng Best Picture, Best Supporting Actor sa pamamagitan ni JC Santos, Best Director sa pamamagitan ni Rae Red, Best Screenplay, Best Cinematography, Best Editing, Best Production Desing at Best Music.

Umaabot sa 12 mga pelikula sa 12 kategorya ang kalahok ngayong taon sa Urian.

Naitampok na rin ang pelikula sa QCinema International Film Festival noong nakaraang taon kung saan nagwagi si Janine ng best actress at best director naman si Red.