-- Advertisements --
image 219

Nagpahayag ng kanilang concern ang Japan at Australia kaugnay sa paggamit ng Chinese coast guard (CCG) ng military-grade laser laban sa isang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko na dapat sundin ng lahat ng estado ang maritime order at binanggit pa nito ang arbitral win ng Pilipinas laban sa China noong 2016 hinggil sa magkakapatong na claim sa West Philippine Sea.

Aniya, nababahala sila tungkol sa mapanganib na pag-uugali nito laban sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas.

Tinawag naman ni Australian Ambassador to the Philippines Hae Kyong Yu PSM ang aksyon ng Chinese coast guard (CCG) na “unsafe” at “intimidatory” habang nanawagan siya ng “peace, stability and respect” sa West Philippine Sea.

Sa ilalim ng UNCLOS o United Nations Convention on the Law of the Sea kung saan parehong signatories ang Pilipinas at China, ang 200 nautical miles mula sa territorial sea ng isang bansa ay ang exclusive economic zone (EEZ) nito.

Noong Hulyo 2016, binasura ng UN Permanent Court of Arbitration sa The Hague, batay sa kasong isinampa ng Pilipinas, ang nine-dash line claim ng China na sumasaklaw sa buong West Philippine Sea.