Napagkasunduan ng defense ministers ng Japan at China na maglunsad ng military hotline sa taong 2022 sa gitna ng tensiyon sa pagitan ng mga karatig na bansa sa Silangang Asya.
Kinumpirma ng Defense Ministry ng China ang hinggil sa hotline agreement subalit wala pang eksaktong petsa kung kailan ang implementasyon nito.
Natalakay din nina Japan Defense Minister Nobuo Kishi at Chinese defense Minister Wei Fenghe sa dalawang oras na video conference kabilang ang ilang claims sa uninhabited rocky island chain sa East China Sea na kontrolado ng Japan na inaangkin naman ng China bilang kaniyang sovereign territory.
Tinatawag ito na Senkakus sa Japan at Diaoyus sa China.
Nagpahayag din ng pagkabahala ang Japan sa sitwasyon sa Taiwan na isang self-governed island.
Binigyang diin ni Japanese Defense Ministry ang pagkakaroon ng peace and stability sa Taiwan Strait na lubhang mahalaga para sa seguridad ng Japan gayundin ang stability ng international community.