Nangako si Japanese Prime Minister Fumio Kishida at French President Emmanuel Macron ng higit pang security cooperation sa Asia-Pacific.
Ginawa ito ni Kishida sa kanyang unang pagbisita sa France mula nang maupo sa pwesto.
Hawak ng Japan ang 2023 presidency ng Group of Seven industrialized countries.
Nagsimula na si Kishida sa paglilibot sa mga kapwa miyembro ng bloke na France, Italy, Britain, Canada at United States.
Sa isang joint press statement kasama si Macron, sinabi ng Japanese premier na inaasahan niya ang higit pang pakikipagtulungan sa France sa Asia-Pacific region.
Nauna nang inaprubahan ng gobyerno ng Japan ang isang malaking pagbabago sa defense policy noong nakaraang buwan, kabilang ang isang makabuluhang pagtaas sa paggasta kasabay ng babala nito sa China na nagbigay ng strategic challenge sa seguridad nito.
Inihayag naman ni Macron na ipagpapatuloy ng France at Japan ang kanilang “joint actions sa Indo-Pacific”.