-- Advertisements --
Nangangailangan ngayon ang Japan ng nasa 28,000 na mga trabaho para sa mga drivers na Filipino sa Japan at ilang bansa sa Europe sa loob ng limang taon.
Ayon sa Overseas Labor Market Forum na mahigit 24,000 na taxi drivers ang kailangan ng Japan at 4,000 na train drivers.
Makakatanggap umano ang mga ito ng sahod ng mula P58,000 hanggang P65,000.
Sinabi ni Suzuki Yuki, the Japanese Labor Attaché, na ang mahalagang requirements para sa mga aplikante ay dapat ay mayroon silang language proficiency certificate o marunong magsalita ng Nihongo.
Bukod sa Japan nangangailangan din ng mga taxi drivers ang mga bansang Slovenia, Austria at Czech Republic.