-- Advertisements --

Lumagda ang Japan at Malaysia ng isang security assistance deal kabilang ang isang grant na 400 milion yen ($2.8 milyon) upang palakasin ang maritime security ng Malaysia.

Magbibigay ang Japan ng mga kagamitan tulad ng mga rescue boat at mga supply sa ilalim ng official security assistance deal, na nilagdaan ng mga dayuhang ministro ng dalawang bansa sa sideline ng Tokyo summit na pinagtibay ang 50 taon ng ugnayan sa pagitan ng Japan at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Malugod na tinanggap ni Prime Minister Kishida ang ugnayang ng Japan at Malaysia sa isang “comprehensive strategic partnership”, ayon sa Japan’s foreign ministry.

Magugunitang inakusahan ng China at Japan noong nakaraang linggo ang isa’t isa ng maritime incursions matapos ang komprontasyon sa pagitan ng kanilang mga coast guard sa mga karagatan sa paligid ng mga isla na pareho nilang inaangkin sa East China Sea.

Ang tulong ng Japan sa Malaysia ay kasunod ng mga katulad na kasunduan sa Pilipinas at Bangladesh ngayong taon at bahagi rin ng planong inihayag noong Abril para sa Japan na maglaan ng tulong pinansyal sa mga developing countries upang palakasin ang kanilang mga depensa.

Gayunpaman, si Kishida ay inaasahang makikipagpulong nang hiwalay sa mga pinuno ng lahat ng miyembro ng ASEAN, na kinabibilangan din ng Cambodia, Singapore, Thailand, Laos at Timor-Leste.